Sa Pula, Sa Puti
WORDS: MA. EMMYLOU SOLIDUM | FEBRUARY 25, 2024
ILLUSTRATION: KRISTEN NICOLE RANARIO
Malalaking tao sila.
Makapangyarihan.
Ang sino mang lumaban,
Patatahimikin; tatapakan.
Nang umabot na ng sukdulan,
Ang bayan, piniling lumaban.
Sigaw nila, “Tama na. Husto na.”
Nagwagi sila–nawala ang sabi nila’y “pula.”
Ngunit makalipas ang ilang dekada,
Ako yata ay namamalikmata?
Ang kulay ay hindi ko man nakikita,
Ngunit bakit tila ito’y kaparehong mukha?
Bumalik yata ako sa nakaraan?
Tao at karapatan, patuloy tinatapakan;
Presyo ng bilihin ay nagsisi-angatan,
Lalong naghirap ang bayan.
Mukha yatang muling mag-aalab ang mithiin
Na ang sinumang abusado ay patalsikin.
Sapagkat ang kung sino mang namulat na
ay hindi na muling pipikit pa.
𝘉𝘢𝘨𝘰 𝘱𝘢 𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘭𝘶𝘮𝘪𝘴𝘢𝘯,
𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘯:
“𝘈𝘱𝘰, 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯.
𝘚𝘢 𝘱𝘶𝘭𝘢 𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘶𝘵𝘪 𝘮𝘢𝘯–
𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘭𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘺𝘢𝘯,
𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘬𝘥𝘶𝘭𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘯.
𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯,
𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯.”