Forda Next Gen:

Toxic PH Culture, Ligwak Ganern

BY CHLEA FATE MARCO | DECEMBER 05, 2023

External Link Icon

View full album of Say ng Gen Z: Mag-aanak pa ba in this economy?

"Huy, ija, bakit ang taba mo na?" "Mas matanda ako kaya ako ang tama." Naririnig mo rin ba ang mga katagang ito kay Tita tuwing reunion?


Noong bata tayo, akala natin ayos lang masabihan ng mga ganito. Akala natin simpleng opinyon lamang sila; na palagi dapat natin sundin ang sinasabi ng mga nakakatanda dahil iyon ang tama.


Toxic, ika-nga natin. Filipino values that went wrong, sabi ng madla.


Ayon nga kay Abegail Joyce Requilman, isang clinical psychologist mula sa mental health organization na Empath, ang mga nakasanayan na kaugalian o paniniwala ng mga pinoy ay pwedeng makasama sa mental health ng isang indibidwal lalo na kung labis ang pagtatanim ng mga kaugalian na ito sa isang tao. Naapektuhan ng mga ito ang iba’t ibang aspeto ng kaisipan at pamumuhay ng bawat indibidwal.


Dahil dito, oras na para mag-step up ang Generation Z para sa Generation Alpha. Kaya naman tinanong namin ang future mommies, daddies, titos, at titas ng susunod na henerasyon kung alin sa mga toxic Filipino culture, values, at beliefs ang gusto na nilang i-ligwak ganern!


Ikaw, alin sa mga ito ang gusto mo nang i-let go para sa susunod na henerasyon?



Ashly Tan, 23, CEU BS Biology Specialization in Microbiology


Ang toxic mindset ng mga pinoy na gusto kong maalis or matigil na ay ang pagtrato sa mga anak na para bang retirement fund ng magulang or ng pamilya. Kailangan siya tanggalin sa mindset at pamumuhay ng susunod na henerasyon sapagkat hindi naman natin kasalanan na tayo ay ipinanganak sa mundo at inalagaan nila, dahil kahit alam naman natin lahat na sila ang nagplano mag kaanak at responsibilidad nila ito at dapat hindi nila hinihingan ang kanilang mga anak ng kapalit para sa pag-aaruga nila sa atin.”


Vea Gandeza, 19, PUP - COC, Bachelor of Arts in Broadcasting


“Dapat alisin na yung toxic trait na: greeting people or asking them about their physical appearance in an insensitive way tulad ng ‘Tumaba ka?,’ ‘Ang dami mo nang pimples,’ ‘Bakit ang payat mo?’ We don't want to have the next generation of Filipinos suffer from low self-esteem and, worse, serious mental illness like what is happening these days.”


Ella Nicole Naig, 19, PUP - COC, Bachelor of Arts in Communication Research


“Yung 'noong panahon namin...' na laging sinasabi ng mga older generation. Kung saan ang hilig nilang i-compare yung generation nila sa present. Nararapat lamang na alisin na yung ganitong konsepto sa pag-iisip ng mga Pilipino dahil sa pagdaan ng mga henerasyon, patuloy na nagbabago ang mundo. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang karanasan at kakayahan kaya hindi makatarungan kung magkaroon lamang ng isang perspektibo at patuloy na ihahambing ang kasalukuyan sa nakaraan.”



Roxi P. Mallari, 19, CEU, Bachelor of Science in Medical Technology


“Mahalaga ang pagtatapos sa toxic trait na crab mentality dahil ito ang pinagmulan ng maraming problema sa relasyon at ugnayan, kung saan ang inggit at paghahangad na lamang ang nagiging dahilan. Sa pagiging bukas ang isipan at pagsuporta sa tagumpay ng bawat isa, magiging mas matatag ang ugnayan ng bawat isang Pilipino, at mas marami ang magtatagumpay sa kanilang mga pangarap.”


Dana Rivera, 23, Our Lady of Fatima University, Bachelor of Science in Nursing


“One of the toxic traits of Filipino parents na dapat matigil na is yung pag-cocompare ng anak nila sa iba. As parents sana don’t invalidate your children's achievement may it be big or small. Like anak mo yan huwag mo siya i-co-compare sa ibang tao dahil may sarili silang storya na sila ang nagpapatakbo and as parents, ang role [niyo] is to support them in achieving kung anong gusto nilang gawin.


Jullienne Garcia, 20, San Beda University, Bachelor of Arts in English Language


“For me romanticizing Filipino resiliency must be stopped because it encourages toxic positivity. Filipinos are always being praised and recognized for being optimistic and resilient but as much as we deserve it, hindi maaalis yung fact na we are just settling for the bare minimum and are already tired of being resilient. Kailangan na alisin sa mindset o pamumuhay ng susunod na generations ang pagro-romanticize ng Filipino resiliency because ina-allow nito ang lack of accountability and incompetency sa Pilipinas.”


Francis Erick Romasanta, 19, PUP, Bachelor of Science in Computer Science


Isa sa naiisip kong toxic filipino traits ay yung kapag mas matanda ka ay mas tama ang opinyon mo. Isa ito sa napakaraming toxic filipino traits na dapat nang mawala dahil para sakin hindi naman "correlated" ang edad at pagkakaroon ng tamang saloobin sa isang bagay. Kailangan nating ituro sa mga kabataan ngayon na ayos lang maglahad ng opinyon o saloobin sa mga matatanda basta't hindi mawawala ang respeto at paggalang.”



Lheonel Sanchez, 20, PUP, Bachelor of Arts in Broadcasting


“Isa na marahil sa kulturang kinagisnan ng ilang pamilyang Pilipino ay ang pagturing sa kanilang mga anak na "tiga-ahon" sa kahirapan. Epekto nito ang mabigat na pasanin o pressure sa mga balikat ng kanilang mga anak na, in the first place, ay hindi nila dapat nararamdaman. Dapat una pa lamang ay alam na ng mga magulang nito ang responsibilidad na dapat sila ang gumagawa. Hindi investment ang pagkakaroon ng anak. Walang ROI na dapat ibalik ang mga anak. Kusa, hindi sapilitan.”


Marc Neil Bautista, 22, RTU, Bachelor of Science in Biology


Isa sa pinakatoxic na filipino trait ay ang utang na loob sa mga magulang at paggamit sa mga anak bilang retirement plan. Hindi makabubuti ito para sa mga susunod na henerasyon dahil sa paglimit nito sa mga kaya at gustong gawin ng mga susunod na henerasyon. Nililimitahan ng toxic trait na ito ang kalayaan na pumili ng tatahaking pamumuhay ang mga anak ng mga magulang na naniniwala sa trait na ito.

© 2023 Twinkle PUP iCommunicate Volume 26. All rights reserved.