Paparating na ang Pasko!

BY CHLEA FATE MARCO | DECEMBER 4, 2023

Photo by Chlea Fate Marco

Malamig na ang simoy ng hangin!

Nakasabit na rin ang mga parol at palamuti

na siyang nagniningning na parang mga bituin sa langit.


Pagsapit ng gabi,

ang mga bata ay nagsisimula na ring umawit.

Kasabay ng paghimig

ay ang sigla sa pag-indak ng mga tagapakinig.


Andiyan na si tito at si tita,

naghahanda na para sa monito at monita.

Habang hinahanap-hanap naman sina

ninong at ninang.


Ang kampana ng mga simbahan ay nanggigising na,

hudyat na magsi-simbang gabi na.

Pagkatapos naman ng Misa de Gallo,

diretso naman sa bilihan ng bibingka.


Sa pagsapit ng noche buena,

nakahanda na ang pagsasaluhan.

Nakalatag sa lamesa ang manok,

queso de bola, hamon, ispageti,

at ang paborito nating fruit salad.


Ang bawat tahanan ay napupuno ng handaan.

Labis ang sigla at tawanan,

kasabay ng kaliwa't kanang pagbati ng “Merry Christmas!”


Ang tambak ng regalo sa ilalim ng Christmas tree

ay unti-unting nababawasan,

habang nadaragdagan naman ang kinang sa mata at ngiti,

ng mga monito, monita, ni tito at ni tita.


Magpapasko na!

Kaya't tara na at magdiwang!

Sabay-sabay nating ipagbunyi

ang araw ng pagbabahagi ng saya,

regalo, at pagmamahal sa kapwa!




© 2023 Twinkle PUP iCommunicate Volume 26. All rights reserved.